Inisyatibang Programa para sa Patas na Pabahay
Pangkalahatang-Ideya ng Programa
Isang pangunahing karapatang pantao ang pabahay, at pundamental ito para sa pagpapanatili ng kaligtasan, kalusugan, at katatagan. Laganap pa rin ang diskriminasyon sa pabahay sa komunidad natin at negatibong nakakaapekto sa mga kabuhayan ng mga pamilya, lalo na ang mga namumuhay sa kahirapan at mga minoryang komunidad. May pinakamaliit na akses sa mga mapagkukunan ang mga komunidad na may limitadong kita at mga minorya, na ginagawa silang pinakananganganib pagdating sa diskriminasyon sa pabahay, kabilang na ang pagtanggi, di-patas na pagtrato sa pabahay, at paghihiganti.
Pinakamahahalagang Punto mula sa 2024 na Ulat tungkol sa mga Kasalukuyang Umiiral sa Patas na Pabahay ng National Fair Housing Alliance:
- Mayroong 34,150 mga reklamo tungkol sa patas na pabahay na natanggap ang mga pribadong di-kumikita na organisasyon sa patas na pabahay, Kagawaran ng Pabahay at Pag-unlad ng Lungsod (HUD) ng Amerika, mga ahensiya ng Programa ng Tulong para sa Patas na Pabahay (FHAP), at ng Kagawaran ng Hustisya (DOJ) ng Amerika noon 2023, kumpara sa 33,007 noong 2022.
- Nagproseso ang mga pribadong di-kumikita na organisasyon sa patas na pabahay ng 75.52 porsiyento ng mga reklamo, na nangangahulugan ng 5.68 porsiyentong pagtaas mula sa nakaraang taon.
- Diskriminasyong nakabatay sa kapansanan ang karamihan (52.61 porsiyento) sa mga reklamong isinampa sa mga pribadong di-kumikita na organisasyon sa patas na pabahay (FHO), HUD, at mga ahensiya ng FHAP.
- Mayroong 1,521 reklamo ng panliligalig na iniulat noong nakaraang taon, na nangangahulugan ng 66.23 porsiyentong pagtaas.
- Mayroong 824 reklamo batay sa kulay ang iniulat noong nakaraang taon, na kumakatawan sa 35.30 porsiyentong pagtaas.
Sa SERI, layunin naming lumikha ng isang mas inklusibong komunidad at pantay na pagkakataon para sa lahat pagdating sa pabahay. Sa ikaapat sa magkakasunod na taon, ginawaran kami ng $125,000 para labanan ang diskriminasyon sa pabahay sa Tucson Metropolitan Area sa ilalim ng Inisyatibang Programa para sa Patas na Pabahay (FHIP) ng Kagawaran ng Pabahay at Pag-unlad ng Lungsod (HUD) ng Amerika.
Nilagdaan ang Fair Housing Act (FHA) bilang batas ni Pangulong Lyndon B. Johnson noong Abril 11, 1968 at ipinagbabawal nito ang diskriminasyon sa pabahay batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, relihiyon, kasarian (kabilang ang pagkakakilanlan ng kasarian at oryentasyong seksuwal), katayuan ng pamilya, at kapansanan. Pinoprotektahan ng FHA ang mga tao mula sa diskriminasyon kapag umuupa o bumili ng bahay, kumukuha ng mortgage, humihingi ng tulong sa pabahay, o gumagawa ng anumang iba pang aktibidad na may kaugnayan sa pabahay.
Nilalayon naming tulungan ang komunidad natin na makilala ang mga posibleng palatandaan ng diskriminasyon sa pabahay at hikayatin ang pagsunod sa batas ng FHA. Nagbibigay kami ng edukasyon tungkol sa patas na pabahay at nakikipag-ugnayan sa publiko, sa mga tagapagbigay ng pabahay, at sa lokal na pamahalaan natin para makatulong na wakasan ang diskriminasyon. Nagbibigay ng edukasyon ang programa namin at nakikipag-ugnayan kami sa mga wikang Ingles, Kastila, Swahili, Mandarin, Arabo, at Tagalog. Dumalo sa isa sa mga paparating na libreng workshop namin para malaman ang tungkol sa mga karapatan mo sa patas na pabahay!
Nakaranas ka na ba ng diskriminasyon sa pabahay batay sa lahi, bansang pinagmulan, kulay, relihiyon, kasarian, katayuan ng pamilya, o kapansanan? Makipag-ugnayan sa hotline ng pagtatanong namin para sa mga reklamong may kaugnayan sa patas na pabahay sa pamamagitan ng pagtawag sa (520) 306-0938 o pagkumpleto ng online na form.
Noong 2021, ginawaran kami ng $20K bilang pagpopondo mula sa HUD para matugunan ang pandemya ng COVID -19 sa pamamagitan ng Inisyatibang Programa para sa Patas na Pabahay (FHIP). Sa panahon ng mga sakuna at emerhensiya, tumataas ang mga insidente ng diskriminasyon at paglabag na may kaugnayan sa patas na pabahay. Ang mga may kapansanan at mas may edad na ang pinakamahihinang grupo sa komunidad natin. Sa pamamagitan ng edukasyon at pakikipag-ugnayan, nag-alok kami sa mga tagapagbigay ng pabahay ng edukasyon tungkol sa Fair Housing Act (FHA) at kung paano sumunod.
Noong 1968, nilagdaan ang Fair Housing Act (FHA) na ginagawang ilegal para sa mga tao na magdiskrimina sa anumang aspeto ng pabahay batay sa lahi, bansang pinagmulan, kulay, relihiyon, kasarian, katayuan ng pamilya, o kapansanan ng isang indibidwal. Kilala ang mga ito bilang pitong pederal na protektadong klase.
Nalalapat ang Fair Housing Act (FHA) kapag nangungupahan ang mga tao, bumibili ng bahay, gustong makakuha ng mortgage, tulong sa pabahay, seguro para sa mga may-ari ng bahay, o gumagawa ng anumang iba pang transaksiyong may kaugnayan sa pabahay.
Sa ilalim ng Fair Housing Act (FHA), ilegal ang diskriminasyon batay sa lahi, bansang pinagmulan, kulay, relihiyon, kasarian, katayuan ng pamilya, o kapansanan:
- Tumangging magparenta, magbenta, o makipagnegosasyon pagdating sa pabahay.
- Kung hindi man, gawing di-magagamit ang pabahay o magpahina ng loob ng tao pagdating sa pagbili o pag-upa ng tirahan.
- Magtakda ng iba’t ibang tuntunin, kondisyon o pribilehiyo para sa pagbebenta o pagpapaupa ng tirahan.
- Magbigay sa tao ng iba o limitahan ang mga pribilehiyo sa mga serbisyo sa pabahay o pasilidad ng tirahan.
- Pasinungaling na itanggi na puwedeng inspeksiyunin, ibenta, o ipaupa ang pabahay.
- Gumawa, mag-print, o maglathala ng anumang abiso, pahayag, o patalastas ng tirahan na nagpapahiwatig ng anumang kagustuhan, limitasyon, o diskriminasyon.
- Magpataw ng iba’t ibang presyo sa pagbebenta o singil sa pagpapaupa ng tirahan.
- Gumamit ng iba’t ibang pamantayan sa kwalipikasyon o aplikasyon, o pamantayan o pamamaraan sa pagbebenta o pagpapaupa.
- Magpalayas ng nangungupahan o bisita ng nangungupahan.
- Ligaligin ang isang tao.
- Di-gawin ang o mang-antala ng serbisyo sa pagpapanatili o pagsasaayos.
- Magtalaga ng isang tao sa isang partikular na lugar ng isang gusali o kapitbahayan.
- Kumita, hikayatin, o subukang hikayatin ang mga may-ari ng bahay na ibenta ang mga tahanan nila sa pamamagitan ng pagmungkahi na nagpaplanong lumipat sa kapitbahayan ang mga taong nabibilang sa isang partikular na protektadong klase (blockbusting).
- Tanggihan ang pag-akses o pagiging miyembro sa anumang organisasyon ng mga serbisyo ng maramihang pagpapalista ng mga pabahay (MLS) o ng mga broker ng ari-arian.
- Tumangging magbigay o magdiskrimina sa mga tuntunin o kondisyon ng seguro ng mga may-ari ng bahay dahil sa protektadong klase ng isang tao.
- Tumangging magbigay ng pautang sa mortgage o magbigay ng iba pang tulong-pinansiyal para sa tirahan.
- Tumangging magbigay ng impormasyon tungkol sa mga pautang.
- Magpataw ng iba’t ibang mga tuntunin o kondisyon sa isang pautang, tulad ng iba’t ibang mga rate ng interes, puntos, o bayarin.
- Magdiskrimina pagdating sa pagtatasa ng tirahan.
- Tumangging bumili ng pautang.
- Kundisyunin ang pagbibigay ng pautang sa tugon ng isang tao sa panliligalig.
- Bantaan, pilitin, takutin, o pakialaman ang sinumang ginagamit ang karapatan niya sa patas na pabahay o tinutulungan ang iba na gamitin ang karapatan.
- Gumanti laban sa isang taong naghain ng reklamo tungkol sa patas na pabahay o tumulong sa imbestigasyon sa patas na pabahay.
- “Tinanggihan ang aplikasyon mo.”
- “Walang magagamit na yunit.”
- “Di-tumpak ang anunsiyo. $100 na mas mataas talaga ang upa kada buwan.”
- “Tinatanggap lang namin ang mga taong malinaw magsalita ng Ingles.”
- “Dahil sa kasaysayan mo, kakailanganin naming mangolekta ng mga karagdagang dokumento.”
- “Siguro mas komportable kang manirahan sa isang kapitbahayan na may mga moske.”
- “Sa kasamaang palad, mga hagdan lang ang mayroon kami. Hindi kami makapagbibigay ng walker para sa iyo.”
- “Walang maaakses na espasyo sa paradahan ng gusali.”
- “Paumanhin, may mahigpit na patakaran ang kumpanya namin ng pagpapadala lamang ng mga abiso sa pagbabayad ng upa sa mga residente.”
- “Grabe ang daloy ng trapiko sa lugar na ito. Hindi ligtas para sa mga bata na manirahan dito.”
- “Para sa mga adulto lamang ang paggamit ng patyo ng gusali at kailangan mong tiyakin na hindi lumalabag ang mga anak mo sa mga panuntunan ng gusali.”
- “Inirerekomenda namin sa iyo at sa pamilya mo na mangupahan sa unang palapag.”
- “Ikinalulungkot ko, pero nakakita na ako ng masyadong maraming kababaihan na nagbago ng isip nila tungkol sa pagbabalik sa trabaho kaya hindi pirmi ang kita mo sa hinaharap para makatanggap ng pautang.”
- “Sa kasamaang palad, hindi maaayos ang banyo at washer hanggang sa susunod na linggo.”
- “Oo, pero kung makikipag-date ka lang sa akin.”
Mga Partner sa Programa
Arizona Commission for the Deaf and the Hard of Hearing
City of Tucson Housing and Community Development
Family Housing Resources
People’s Defense Initiative/Tucson Tenants Union
Pima County Community Land Trust
Southwest Fair Housing Council
Paano Maghain ng Reklamo sa SERI
Nakaranas ka na ba ng diskriminasyon sa pabahay batay sa lahi, bansang pinagmulan, kulay, relihiyon, kasarian, katayuan ng pamilya, o kapansanan? Ipinagbabawal ng Fair Housing Act (FHA) ang diskriminasyon laban sa sinumang nagpapakilala sa sarili niya sa ilalim ng pitong protektadong klase kapag nakikipagtransaksiyon sa pabahay. Kung nakaranas ka ng diskriminasyon sa pabahay, magsalita ka dahil may mga karapatan ka! Makipag-ugnayan sa hotline namin para sa mga katanungan tungkol sa pagrereklamo. Narito kami para makatulong!
Tumutugon kami sa loob ng 1 araw ng trabaho. Isang Arizona Relay Friendly Service Business partner kami at tumatanggap kami ng mga katanungan sa lahat ng mga wika. Pagkatapos ng paunang impormasyon sa pagpapapasok, ipinapasa namin ang katanungan mo sa partner namin sa programa, ang Southwest Fair Housing Council (SWFHC). Tinutulungan ng SWFHC ang mga kliyente na may mga paratang ukol sa ilegal na diskriminasyon sa pabahay, nagbibigay ng tulong sa pag-iimbestiga, pagpapayo, pagpapagaan ng mga pinsala, at itinuturo nito ang mga kliyente sa mga mapagkukunan ng pabahay sa Arizona. Kung kailangan mo ng makatuwirang tirahan, makipag-ugnayan lamang sa amin.
Para sa mga pangkalahatang katanungan, makipag-ugnayan sa amin sa (520) 321-9488 o sa seri@seriaz.org.
Materyal ng Programa
Mga Karagdagang Mapagkukunan
- Fair Housing Rights and Obligations
- Housing Discrimination Under the Fair Housing Act
- HUD Fair Housing Outreach Tools
- Introduction to Fair Housing Presentation
- Fair Housing Brochures
- Fair Housing Videos
- Fair Housing Guide
- Fair Housing Booklet
- Basics of Fair Housing Law Presentation
- Arizona Tenants Rights and Responsibilities Handbook
- Fair Housing Arizona Department of Housing
- FHEO Annual Reports on Fair Housing
- NFHA 2023 Fair Housing Trends Report
- Tools for Landlords with Tenants Impacted by COVID-19
- Landlords and Property Managers Guide
- Fair Housing Act Design Manual
- A Conversation on Sexual Harassment in Housing Situations for Agencies
- Preventing Sexual and Discriminatory Harassment Best Practices for Public Housing Agencies (English)
- Preventing and Addressing Harassment for Property Owners and Managers
- Preventing and Addressing Harassment for Public Housing Agency Executive and Commissioners
- Preventing and Addressing Harassment for Public Housing Agency Employees
- Family Housing Resources Homebuyer Education Workshop
- City of Tucson Section 8 Program Information
- City of Tucson Housing Assistance Programs
Pagtatatwa
Nakabatay ang materyal na ito sa trabaho na suportado ng Kagawaran ng Pabahay at Pag-unlad ng Lungsod (HUD) sa ilalim ng FHIP na Kaloob na FEOI230004. Nabibilang sa mga may-akda ang anumang opinyon, natuklasan, at konklusyon o rekomendasyon na ipinahayag sa materyal na ito at hindi sumasalamin sa mga pananaw ng HUD.